Hate crime ipinanawagan ni PBBM na tuldukan na

Hate crime ipinanawagan ni PBBM na tuldukan na

September 21, 2022 @ 10:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “fair international system”.

Hangad ng Pangulo na matigil na ang mga insidente ng “hate crime” laban sa mga Asyano.

Umaasa rin siya ng isang sistema na gagana sa “most vulnerable sectors” sa lipunan.

“Our work must also focus on ensuring that the international system remains fair not only for all states but more importantly for all peoples. The system must work for the most vulnerable, especially the marginalized, migrants, refugees,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na high level general debate sa 77th session of the United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City.

“The world has witnessed the enduring contribution of migrants in the fight against this pandemic. We still dream of an end to the disturbing incidents of racism, Asian hate, of all prejudice,” dagdag na pahayag nito.

Binanggit pa niya na ang joint program ng Pilipinas at Estados Unidos hinggil sa human rights ay isang halimbawa ng constructive approach na inuuna ang mamamayan nito.

“It provides a model for revitalizing the structures that facilitate solidarity between the United Nations and the sovereign duty-bearer,” ang wika ng Pangulo.

Sa Estados Unidos, may mga insidente ng hate crimes laban sa mga Asyano kabilang na ang mga Pinoy.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos
na nagpapatuloy pa rin ang ‘inequalities at inequities’ o hindi pagkakapantay-pantay sa iba pang bansa kung kaya’t kagyat itong humingi ng agarang aksyon sa mga nabibiktima nito.

“Therein lies our fourth transcendent challenge. This injustice was evident during the pandemic, when the richer nations immediately received vaccines at the expense of the have-nots,” ayon sa Pangulo.

“We see, for example, dangers of this lurking in the persistent digital divide and in ballooning debt burdens,” aniya pa rin. Kris Jose