Hatol ni Padilla sa laban niya vs Hussein, tama lang – Pacquiao

Hatol ni Padilla sa laban niya vs Hussein, tama lang – Pacquiao

December 2, 2022 @ 5:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Para kay Manny Pacquiao, tama ang ginawa ni referee Carlos Padilla sa kanyang laban kay Australian Nedal Hussein noong 2000.

Muling napunta sa limelight ang laban matapos ihayag ni Padilla sa isang panayam na gumawa siya ng paborableng aksyon kay Pacquiao sa nasabing laban.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na nirepaso niya ang video at naniniwalang tama ang ginawa ni Padilla nang ibagsak siya ni Hussein.

Sinabi rin ng eight-division champ na hindi siya nagpa-headbutt kay Hussein at iginiit na ang sugat ng huli ay mula sa isang uppercut.

Naniniwala rin si Pacquiao na hindi magagawa ang kahilingan ni Hussein na ideklara ang laban bilang “no contest”.

“Tama naman ginawa niya (Padilla). Hindi ko lang alam kung ‘yung count niya kung tama ba yun. May video naman yan eh,” ani Pacquiao. “I’m just doing my part as a boxer. Sa tingin ko, okay naman ginawa niya. Di naman maitago ‘yun kasi may video naman ‘yun eh.”

“Tama naman ‘yung ginawa ng referee. Hindi ko lang alam kung bakit siya nagsalita ng ganon.”

Sinabi ni Hussein na dapat managot si Padilla sa kanyang mga aksyon at nanawagan sa World Boxing Council na ideklara ang laban bilang no contest.