Hatton vs Barrera exhibition fight, tuloy sa Hunyo

Hatton vs Barrera exhibition fight, tuloy sa Hunyo

April 26, 2022 @ 8:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinida ni retired boxing champion Ricky Hatton tuloy ang exhibition fight nila ni Marco Antonio Barrera sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.

Orihinal na nakatakda ang laban noong Pebrero subalit hindi ito natuloy dahil na rin sa ilang isyu.

Pero sa kanyang social media, isiniwalat ni Hatton na wala nang makapipigil ng kanilang laban.

Matatandaang ang 43 anyos na si Hatton ay nagwagi ng dalawang division at itinuturing bilang darling of British boxing world habang ang 48-anyos na si Barrera ay mayroong titulo sa tatlong division.

Ito ang unang magiging laban ni Hatton matapos magretiro nang patumbahin siya ni Ukrainian boxer Vyacheslav Senchenko noong 2012.

Nakasagupa naman ni Barrera noong nakaraang taon sina Daniel Ponce de Leon at Jesus Soto Karass,

Mas nakilala si Barrera sa mga laban niya kontra kay Erik Morales, Pacquiao, Juan Manuel Marquez at Naseem Hamed.

Hawak ni Hatton ang record na 45 panalo, tatlong talo at 32 knockouts habang si Barrera ay mayroong 67 panalo, pitong talo at 44 knockouts.Rico Navarro