Hawaan sa COVID-19: 1,000 beses mas matindi sa hangin kaysa sa nahahawakan

Hawaan sa COVID-19: 1,000 beses mas matindi sa hangin kaysa sa nahahawakan

May 7, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MICHIGAN, US – Napatunayan nang 1,000 beses na mas nakahahawa ang coronavirus disease sa pamamagitan ng hangin kaysa sa anomang nahahawakan.

Iniulat ito sa Journal of Exposure Science & Environmental Epidemiology ng mga researcher ng Michigan University sa United States makaraan ang pag-aaral dito mula noong Agosto 2020 hanggang Abril 2021.

Ayon kay Chuanwu Chi, propesor ng U-M School of Public Health, aktuwal silang humuli ng mga hangin at gumawa ng swab sa mga nahahawakan saka pinag-aralan ang mga ito.

Nakakolekta sila ng 256 na sampol ng hinuling hangin at 517 sampol ng sinwab na nahahawakan.

Isinagawa ang mga eksperimento sa mga pampublikong lugar gaya ng mga silid-aralan, cafeteria, gym, bus, gusaling may aktibidad ng mga estudyante, silid na praktisan ng mga aktibidad at labasan at pasukan ng hangin sa mga gusali.

Dito nila napatunayan na may nahahawa sa COVID-19 na isang tao sa bawat 100 na positibo sa pamamagitan ng hangin habang isa naman sa bawat 100,000 positibo sa nahahawakan.

Malaking tulong ang resulta ng pag-aaral na ito sa mga kinauukulan sa kanilang mga pagkilos laban sa COVID-19 at iba pang katulad nito na konektado sa sakit sa baga sa mga darating na araw, ayon kay Rick Neitzel, propesoe din ng nasabing ring unibersidad. RNT