Hawahan sa Delta variant parang tsunami – Salvaña

Hawahan sa Delta variant parang tsunami – Salvaña

August 27, 2021 @ 6:07 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inihalintulad ni Dr. Edsel Salvaña mula sa Department of Health (DOH) Technical Advisory Group na parang tsunami ang hawaan sa Delta variant ng COVID-19.

Ito ay dahil mabilis umano ang hawaan at mas maraming mga indibidwal ang maaaring mahawaan kahit isa lamang ang nagpopositibo dito.

Kapansin-pansin rin aniya ang epekto ng Delta variant sa nagdaang lockdown dahil sa halip na bumaba ay mas tumaas pa ang bagong kaso ng COVID.

“Tataas at tataas talaga ang kaso because the Delta variant is two to three times more infectious,” paliwanag niya sa Laging Handa briefing.

“Delta variant is like a tsunami, mabilis talaga ang pagkalat,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, may laban pa rin naman umano ang bansa dahil nagpapatuloy pa rin ang bakunahan kontra COVID-19. RNT/JC