Hawaii concert ni Vice Ganda, kanselado!

Hawaii concert ni Vice Ganda, kanselado!

June 20, 2022 @ 12:45 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Scrapped na ang scheduled concert ni Vice Ganda sa Honolulu, Hawaii.

Supposedly, bahagi ito ng kanyang aptly titled concert series na Fully Vice-cinated Concert Tour sa US.

Dapat sana’y makakasama niya sina MC at Lassy ng Beks Batallion at Darrwn Espanto.

Mukhang nangangamoy pulitika ang dahilan ng cancellation.

Napag-alaman kasi na napakaraming loyalista ng mga,Marcos ang based sa Hawaii.

Matatandaang sa Hawaii napiling mag-exile ang pamilya Marcos nang mapatalsik sa puwesto noong 1986.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si VP Leni Robredo ang sinuportahan ni Vice Ganda nitong nakaraang presidential elections.

Samantala, naiulat namin dito sa Remate Online na nausog ang scheduled concert ng Unkaboggable Star sa Dubai, UAE.

Mabagal daw kasi ang ticket sales taliwas sa anunsyo ni Vice mismo na nagluluksa ang mga mamamayan ng UAE sa pagkamatay ng kanilang presidente. Ronnie Carrasco III