Hayden, gusto pang magka-baby, Vicki, nag-react!

Hayden, gusto pang magka-baby, Vicki, nag-react!

April 7, 2021 @ 5:08 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aliw ang netizens sa ginawang lie detector test challenge ng celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Natanong kay Hayden kung nakipag-flirt na raw ba siyang muli sa ibang babae pagkatapos silang ikasal ni Vicki.

Feeling ni Vicki, nakipaglandian na raw muli ito sa iba samantalang pinanindigan naman ni Hayden na nananatiling loyal siya sa kanyang misis.

Sa tanong naman kung may nasabihan na siya ng “I Love You” na hindi niya totoong nadarama, hindi niya ikinailang meron siyang nabola noon.

Sa question naman kung gusto pa niyang magkaanak after Scarlet, hindi naman niya ikinaila ito.

Katunayan, maging si Scarlet daw ay type magkaroon ng kapatid.

Gayunpaman, inokray siya ni Vicki dahil baka raw bet nitong magkaanak sa labas dahil kung siya ang magbubuntis ay tila malabo na raw ito unless magiging immaculate conception ang doktora. Archie Liao


  •  
  •  
  •