Hayden, kinumpleto ang bucket list ni Dra. Vicki!

Hayden, kinumpleto ang bucket list ni Dra. Vicki!

February 16, 2022 @ 4:36 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Kanya-kanyang pakulo ang naisip ng mga lalaki para sa kanilang partners.

May pa-surprise, flowers, chocolate, dinner pero mukhang si Hayden Kho, “Panalo na, uwian na!” saad ng netizens.

Kinumpleto lang naman nito ang bucket list ng celebrity doctor na si Vicki Belo.

Ibinahagi ito mismo ni Vicki sa Instagram post.

“Yesterday’s amazing early valentine celebration was beyond my wildest dreams. I can’t believe that you gave me the last thing to complete my bucket list,” bahagi ng caption ni Belo sa photos nito with Hayden.

Ayon kay Vicki, too expensive ang regalong iyon na hindi niya ibinibigay sa sarili dahil hindi aniya deserve kaya naman hindi siya makapaniwalang ibinigay ito sa kanya ng asawa.

Ano kaya ang too expensive na regalong ‘yun? Curious ang netizens pero may pabitin si Belo at mukhang ibabahagi sa ibang araw.

Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio