Hayop na gala, pangalagaan sa daan

Hayop na gala, pangalagaan sa daan

July 7, 2021 @ 3:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isang programa na naglalayong paalalahanan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho para bigyang daan ang mga stray animals ang inilunsad ni Ang Probinsyano Partylist Rep Ronnie Ong katuwang ang iba pang Metro MAnila DEvelopment Authority (MMDA) at animals’ rights groups.

Tinawag na #BrakeForAnimals campaign layon ng programa na masigurong mabigyang pansin ang kaligtasan ng mga hayop.

Kadalasan ay maraming nasasagasaan na mga aso at pusa sa kalsada dahil na rin sa mabilis na pagmamaneho ng ilang motorista, sa pamamagitan ng nasabing kampanya ay hihikayatin ang mga motorista na “to give way for animals”

“Just a split-second of braking for animals crossing the road can save lives. If you cannot adopt or rescue or foster, at least don’t hurt them please,” pahayag ni Ong.

Katuwang ni Ong sa programa ang animal rights advocacy group na Pawssion Project, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at private sector,k asama ang Jag Jeans at  City Advertising Ventures Corporation ay ilang billboards na din sa Guadalupe-Makati, Cubao at SM Megamall ang naitayo.

Ang billboards ay nagpapakita ng mga imahe ng aso at pusa na biktima ng  hit-and-run  gayundin ng animal cruelty at ang mga narescue.

“Let us all #BrakeForAnimals wherever we are. We are so thankful for your support to this campaign. Proud, more than ever, to have been partners with PAWSsion Project  from the start, and of course, thank you MMDA for joining us in this campaign,” pagtatapos pa ni Ong. Gail Mendoza