Hazard, insurance pay sa mga mamamahayag isinusulong

Hazard, insurance pay sa mga mamamahayag isinusulong

January 11, 2023 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukala na nagsusulong ng dagdag na proteksyon sa mga mamamahayag ang inihain ni Las Pinas Rep. Camille Villar.

Ayon kay Villar, sa kaakibat na panganib na dala ng trabaho ng mga mamamahayag ay nararapat lamang na mabigyan ito ng dagdag na benepisyo, sa ilalim ng House Bill 6543, isinusulong ng mambabatas na bigyan ng disability, health at hospitalizations benefits ang mga practicing journalists.

“During important assignments, journalists face the most dangerous situations like typhoons, disasters, floods, riots, war and conflicts, to name a few, in order to deliver the news to the public. Journalists accept field assignments bringing only their passion sans insurance or hazard pay although they risk their lives in the name of journalism.” pahayag ng mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, ang mga practicing journalists ay bibigyan ng insurance, tax-exempt hazard pay at iba pang incentives kahit pa man ito ay permanent, temporary, contractual o casual journalists basta ito ay empleyado ng media entities sa bansa.

Sa oras na maisabatas ang disability benefits na maaaring matanggap ay P300,000 ang death benefit habang ang reimbursement of medical costs ay hanggang P200,000.

“It is time that journalists deserve the respect not only for the type of work that they are doing but also in the form of benefits that are long overdue. While some may not enjoy decent wages, it is necessary that journalists enjoy these perks as they have families that rely on them,” pagtatapos ni Villar. Gail Mendoza