Hazard pay sa Alert Level 3, malabo- Nograles

Hazard pay sa Alert Level 3, malabo- Nograles

January 5, 2022 @ 6:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Malabong ibalik ang hazard pay para sa mga government workers sa ilalim ng kasalukuyang alert level system sa bansa sa gitna ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang paliwanag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang hazard pay na nakaukol o nakalaan sa government workers at ibinibigay kapag ang bansa ay inilagay sa ilalim ng “strictest enhanced community quarantine (ECQ)” at sa bagong alert level system, “only the highest level–alert level 5–would warrant such policy.”

“Well, let’s remember that when that was decided upon, we were under ECQ and I believe MECQ (modified enhanced community quarantine) din na-cover din (was also covered), that was when iyong malawakang lockdowns were being done,” ani Nograles.

“We have thus since then shifted to alert level system, the highest of which is Alert Level System 5. So, wala pa naman tayong lugar na in Alert Level System 5,” diing pahayag nito.

Gayunman, sinabi ni Nograles na ayaw niyang i-preempt ang anumang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sa bagay na ito.

“So let’s continue to monitor whatever developments there are. But again, this is not something that we would wish to happen. And when I say that, it’s not just government, hindi lamang ang inyong national government, hindi lamang ang LGUs gaya ng sinasabi ko at sinasabi natin parati, it’s a shared responsibility,” aniya pa rin.

Ang Kalakhang Maynila, Cavite, Rizal, at Bulacan ay inilagay sa ilalim ng alert level 3 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 simula nang magsimula ang taon.

Ani Nograles, ito ay “a signal to all of us to be extra, extra careful, extra, extra vigilant.”

“Ang target dapat natin is not to elevate it even higher. And as much as possible, avoid that others areas become elevated as well. Iyon ang target natin, iyon ang objective po nating lahat,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose