HAZARDS KAHIT TUKOY NA, BANTA NG COVID-19 LUMALALA  

HAZARDS KAHIT TUKOY NA, BANTA NG COVID-19 LUMALALA  

August 6, 2020 @ 2:37 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Paulit-ulit ang pagpapaalala ng gobyerno tungkol sa mga alituntunin sa pag-iwas sa COVID-19.

Marami nang guidelines ang inilabas maihatid lamang ang mga pangunahing impormasyon na nangangailangan ng ating agarang atensyon.

Hindi pa rin talaga makasunod ang ating mga kababayan kahit patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga anunsyo at babala laban sa sakit.

Marami na tayong naobserbahang hazards habang nasa grocery store at kapag nagbabayad ng bills.

Isama pa rito ang mga nakita natin sa mga post sa social media.

Para sa karagdagang kaalaman, ang hazard ay “anything, process or activity that has the potential to cause harm.” Ito ay nalilikha dahil sa mga paglabag ng tao sa mga rule (unsafe act) o kaya naman ay dahil sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng aksidente o sakit (unsafe condition).

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga hazard na ating napansin:

  1. Public exposure to biological agents (COVID-19 virus, Tuberculosis, Hepatitis, Typhoid, etc.) dahil sa isang worker na walang suot na hairnet, face mask, face shield at gloves habang naghahalo ng panindang malamig na inumin;

  2. Transmission of COVID-19 sa mga pamilihan dahil sa kawalan ng safety signs o markings para sa social distancing;

  3. Public exposure to persons with fever (na maaaring infected ng COVID-19) dahil sa paggamit ng hindi calibrated na thermal scanner;

  4. Exposure to droplets (na maaaring infected ng COVID-19) dahil sa pagtatanggal ng face mask habang nag-uusap nang malapitan at

  5. Marami pang iba.

(Kaakibat ng mga hazard ang mga risk na ating pag-uusapan sa susunod.)

Hindi pa ba sapat ang kampanya at slogan na ang COVID-19 ay nakahahawa at nakamamatay na sakit? Hindi pa ba sapat ang datos ng mga tinamaan ng sakit at sinawimpalad? Marami na ang nagbigay ng testimonya ng pagdanas ng hirap at stress habang lumalaban sa sakit, isa na rito ang ating idolo na si Michael V.

Ang iba namang kamag-anak ay nasadlak pa sa patong-patong na utang maipagamot lang ang kanilang minamahal bukod pa sa kanilang pag-aalala sa sarili habang naka-quarantine nang 14 days.

Mag-isip-isip tayo, mga mahal kong kababayan. Maaari rin nating danasin ang pinsala kung magpapatuloy ang iba’t ibang uri ng hazard kabilang ang mga nabanggit sa itaas. Hindi lamang ito usaping aksidente o ibang karamdaman na may available resources at napakadaling gamutin.

Alalahanin din at pagmalasakitan ang ating mga healthcare worker na kasalukuyang dumaranas ng hirap magampanan lamang ang wagas nilang tungkulin para sa bayan.

Maliligtas tayo sa banta ng COVID-19 kung magiging matalas ang lahat sa pag-iwas o pagkontrol sa mga hazard. Mag-obserba, makialam at mag-report sa mga kinauukulan.

oOo

Nagpapasalamat ang inyong lingkod kay Ms. Elisa Faye Baldevarona ng DOLE-Occupational Safety and Health Center (OSHC)—Regional Extension Unit III at gayundin kina Executive Director Noel Binag at OIC-Deputy Executive Nelia Granadillos, sa kanilang paanyaya sa atin upang maging speaker sa matagumpay na online webinar na pinamagatang “KamOSHtahan” nitong nakaraang July 31, 2020.

Pagbati rin para sa mga nakasama nating dumalo at nagbigay ng klaro at mahahalagang impormasyon na sina Ms. Zenaida Angara-Campita, DOLE Region 3 Director; Dr. Darryl Bautista, OSHC Health Control Division; Dr. Jose Saporne, Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital; Mr. Jose Roberto Navata, DOLE-Clark Office; Ms. Danica Lacson, Employees Compensation Commission at iba pang kawani ng DOLE-OSHC.

Kaisa tayo sa adbokasya ng OSHC na “Vision 1 Million” na mapag-uusapan natin sa mga susunod na pagkakataon.

O, ayan ha, bawi na ako sayo, Ma’am Nelia Granadillos, he-he-he.

oOo

Proverbs 14:16 “One who is wise and cautious and turns away from evil, but a fool is reckless and careless.”

Para sa inyong mga komento, suhestyon, sumbong o tanong kung papaano maging isang safety officer, mag-text sa +639455238284 o mag-email sa napule8@yahoo.com.


  •  
  •  
  •  

Loading...