Hazing, kinondena ng CHED

Hazing, kinondena ng CHED

March 3, 2023 @ 8:10 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mariing kinondena ng Commission on Higher Education (CHED) ang hazing at lahat ng iba pang uri ng karahasan sa higher education institutions (HEIs).

Ang posisyon na ito ng CHED ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera III ay matapos mamatay umano sa initiation rites ng isang fraternity ang 24-anyos na third year Chemical Engineering student ng Adamson University na si John Matthew Salilig.

Napaulat na may mahigit isang linggo nang nawawala si Salilig nang matagpuang wala nang buhay sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite noong Pebrero 28.

“CHED strongly condemns hazing and all forms of violence in our institutions of higher learning. RA 11053 or the Anti-Hazing Act of 2018 was passed into law on 29 June 2018 to strengthen the enforcement of the Anti-Hazing law. CHED will remain steadfast in its unceasing efforts to rid our higher education institutions of hazing and all forms of senseless acts of violence,” ayon kay de Vera.

Samantala, pinuri naman ni  de Vera ang mabilis na pagkilos ng Department of Justice kung saan kinalampag nito ang National Bureau of Investigation (NBI) at ipinag-utos na bilisan ang imbestigasyon.

“We commend Justice Secretary Jesus Crispin Remulla for ordering the NBI to conduct a parallel investigation on the case. We urge the police to expedite its own investigation so the proper charges can be filed against the perpetrators,” dagdag na wika ni de Vera.

Nagpahayag naman ng pakikisimpatiya ang CHED sa naulilang pamilya ni Salilig.

“The Commission on Higher Education (CHED) offers its deepest condolences to the family of John Matthew T. Salilig, a third-year Chemical Engineering student of the Adamson University who recently fell victim to hazing,” ayon kay de Vera.

Nauna nang nagpaabot ng pakikidalamhati si  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ni Salilig.

Kinondena rin ng  Pangulo ang mga aktibidad ng hazing sa mga fraternity at iba pang grupo, at sinabi na hindi sa pamamagitan ng karahasan masusukat ang lakas ng kapatiran.

“John was a child, a brother, a friend, a classmate, and a son of this nation, with a bright future ahead of him,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“It is not through violence that we can measure the strength of our brotherhood.”

Binigyang-diin ng Chief Executive  na walang puwang ang karahasan sa mga organisasyon ng mag-aaral na itinuturing ng mga estudyante bilang pamilya, at mga paaralan na itinuturing nilang pangalawang tahanan.

Nakikiramay din si Marcos sa pamilya ni Salilig at tiniyak sa kanila na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang kaanak. Kris Jose