Hazing sa PMMA pinabubusisi ng ACT-CIS sa kongreso

Hazing sa PMMA pinabubusisi ng ACT-CIS sa kongreso

July 11, 2021 @ 10:10 AM 1 year ago


Manila, Philippines- “Ilang kadete pa ba ang kailangang mamatay sa hazing bago tayo kumilos sa kongreso”?

Ito ang panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa mga kasamahan para imbestigahan at matuldukan na ang mga hazing hindi lang sa Philippine Merchant Academy kung hindi sa lahat na rin ng military academy ng gobyerno.

“PMMA 4th Class Cadet Jonas Bondoc’s life was wasted sa walang kakwenta-kwentang hazing”, ani Cong. Yap sa isang panayam.

Dagdag pa ni Yap, “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang saktan ang mga batang ito tulad ni Bondoc gayong para sa edukasyon lang kaya naroon siya”.

“Hindi rin pamamaraan ang hazing para gawing malakas o matibay ang isang kadete o estudyante,” ani Yap.

2001 at 2011 may mga namatay na rin na kadete sa PMMA pero nabalewala.

Nangako ang mambabatas na bukod sa “in aide of legislation”, may papanagutin sila sa nangyari kay Bondoc.  RNT