‘Healing’ hiling ni PBBM para sa mga Pinoy ngayong Undas

‘Healing’ hiling ni PBBM para sa mga Pinoy ngayong Undas

October 31, 2022 @ 11:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-alala sa mga Santo at namayapang mahal sa buhay ay makatutulong sa Filipino na makayanan ang paghihirap at pagkabalisa.

Sa naging mensahe ng Pangulo ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day, sinabi ni Pangulong Marcos na ang COVID-19 pandemic ang dahilan ng mga ito ng “come to terms with mortality”.

“It taught us to number our days as we realize the uncertainty of our time on Earth. It made us contemplate what it truly means to live a meaningful life and to die free of regrets and at peace with oneself,” ayon sa Pangulo.

Tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang lahat na maghanap ng lesson o aral na magreresulta ng kalunasan.

“As we gain momentum towards complete recovery, I pray that our efforts to remember the saints and our late loved ones will bring healing to our hearts,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing, “May it likewise reinforce the foundations of our faith and compel us to live with genuine love and compassion in all of our days.”

Ang dalawang nabanggit na holidays ay nagsisilbing reminder o paalala “to strive, live Christ-centered lives, and fulfill our life’s purpose until we meet our Creator,” ayon sa Pangulo. Kris Jose