MAG-INGAT NANG TODO SA BOMBA AT HINDI BOMBA

February 6, 2023 @1:30 PM
Views: 45
KUNG kailan nagkaroon ng matinding pagbomba sa Pakistan na ikinamatay ng nasa 100 katao at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa, nagkaroon naman ng mga pagsabog sa Pilipinas na agad pinagdudahan ng mga mamamayan.
Sa Pakistan, lumitaw na nakasuot ng uniporme ng pulis ang Pakistani Taliban na nagmula sa labas at pumasok sa guwardiyadong gate nang walang tsekpoint dahil nakauniporme nga.
Nagtanong pa umano ang bomber sa mga pulis sa loob kung nasaan ang mosque at itinuro sa kanya ang daan patungo roon.
Mabilis siyang nakarating sa mosque, ipinuwesto ang sarili sa unang linya ng maraming nagdarasal na pulis, sundalo at sibilyan saka nito pinasabog ang bombang dala niya na ikinasabog na rin niya.
12 KILONG TNT
Ang dalang bomba ng bomber?
Nasa 12 kilong bombang TNT o Trinitrotoluene at katumbas ng 30 granada na USM67 na 400 gramo ang timbang bawat isa.
Gamit ang TNT sa paggawa ng mga granada, bala ng baril, bala ng kanyon at bomba.
Mas malakas ang dynamita ng 60 porsyento sa TNT ngunit mas gamit ang huli dahil hindi basta-basta sumasabog at hindi kasingdelikado kung ibibiyahe ito nang bultuhan at ilalagak nang maramihan sa isang lugar.
Gayunman, hindi magkakalayo ang pinapatay na tao ng dinamita at TNT.
Nang sumabog nga ang bombang TNT sa Pakistan, nagiba ang mosque at ilan sa mga namatay ang hindi tinamaan ng bomba kundi ng mga hollowblock, bakal at sementadong parte ng mosque.
Natagpuan ang ulo ng bomber na humiwalay sa kanyang katawan kinabukasan.
DALAWANG LPG TANK
Dahil nga sa pambobomba sa Pakistan na naganap noong Disyembre 30, nagkaroon tuloy ng panic maging sa Pilipinas dahil sa mga pagsabog naman na naganap sa dalawang lugar dito.
Unang sumabog ang liquefied petroleum gas sa laundry shop malapit lang sa De La Salle University sa Malate, Manila nitong Enero 31 na ikalawang araw ng pambobomba sa Pakistan.
Lima ang unang naiulat na nasugatan subalit naging 20 na ito makaraan at ilang estudyante ng nasabing unibersidad ang nadamay.
Sa Candelaria, Quezon naman, sumabog ang LPG tank sa loob ng fastfood restaurant sa loob ng isang mall nitong Pebrero 3, 2023 na ikinasugat ng lima katao.
Anak ng tokwa, siyempre, para sa mga nasa malalayong lugar, may mga kinabahan at nagsabing “Baka may nambomba!”
Pero makaraan ang ilang minuto o oras, lumabas na sa ating mga pahayagan online, gaya ng Remate online, at mga radio, telebisyon at social media na sumabog palang LPG tank ang mga ito.
Whew! Buti na lang, sabi ng iba.
MAG-INGAT PA RIN
Bomba mang tunay o LPG tank ang mga sumasabog, dapat mag-ingat pa rin ang lahat.
Nakasisira nang labis ang mga ito sa buhay at ari-arian at walang pinipiling tamaan.
AHAS AT BUWAYA

February 6, 2023 @1:29 PM
Views: 45
NITONG nagdaang mga araw, lumutang ang mga kwentong masama at mabuti ukol sa mga buwaya at ahas.
Pero may mabuti mang kwento, takot ang higit na namamayani hindi lang sa hanay ng mga bata kundi pati sa matatanda.
Pareho kasing pumapatay ang mga ito ng tao at hayop ang mga ahas at buwaya.
Ang ahas, lalo na ang sawa, kapag malalaki ang mga ito, nilalamon nila nang buo ang tao o hayop.
Gayundin ang buwaya.
Pero kapag maliit ang ahas, pumapatay ito sa bisa ng kamandag na ibinubuga sa pinagkagatan nito pero ang buwaya, pumapatay sa pagkagat at pagdurog sa biktima.
Nito lang nagdaang araw, may tinuklaw ang King Cobra sa Panganiban, Catanduanes.
Isa sa pinakakamandag na ahas sa buong mundo ang King Cobra kaya hindi na nakaabot pang buhay sa ospital ang lalaking natuklaw.
Pero sa Indonesia, may malaking buwaya na naghatid ng batang namatay sa lunod sa mga taong umiikot sa tabing dagat para hanapin ang biktima.
Kagat-kagat ng buwaya ang bata na nakalutang sa tubig at makaraang maihatid nito ang bangkay sa rescuers, umalis na rin ito palayo.
Ngayon, paano natin tratuhin ang mga ahas at buwaya?
May mga ahas na sinasabing kaibigan ng mga tao at aktuwal ngang ipinahahawak at ipinapupulupot sa tao sa zoo.
Pero bibihirang may palakaibigan sa mga ito at mas lalong bibihira ang hindi lumalamon at pumapatay ng tao.
Kaya naman dapat higit na ituring ang ahas at buwaya na delikado at ituro ito lalo na sa mga bata upang mailayo ang mga ito sa kapahamakan at kamatayan.
Ang mga animal lover, maging ang media, kasama ang social media, dapat mag-ingat sa pagpapalabas ng mga hayop na ito bilang mga kaibigan ng tao.
Para klaro, pigilan, lalo na ang mga bata at iba pa na lumapit at makipaglaro sa mga ahas at buwaya.
NANGANGANIB NA ISLA

February 6, 2023 @1:19 PM
Views: 52
HALOS dalawang linggo nang nakabarikada ang mga residente ng Sibuyan Island sa Romblon. Pinipigilan nilang makapag-loading at magkapaglabas ng mahigit na 6,000 tonelada ng nickel ore ang ALTAI Philippines Mining Company .
Anang mga residente, iligal umano ang pagmimina dahil kulang sa permit ang kumpanya. At nitong Byernes, nagkaroon ng girian sa barikada nang pwersahang iginilid ng mga pulis ang mga nakaharang na mga tao para makapasok ang tatlong truck ng mga minero.
Paliwanag ng mayor ng bayan ng San Fernando, wala raw s’yang magagawa dahil pinayagan ng national government ang minahan na mag-operate. Meron na raw kasing pirmadong mining contract at meron ding mga permit na magbiyahe ng mga bato o nickel ores at i-export ang mga ito.
Giit naman ng mga local na makakalikasang grupo, walang business permit o mayor’s permit ang minahan, walang barangay clearance at wala ring permit ang pantalan (port) na s’yang nagiging loading area para ilabas ang mga bato.
Bakit nga ba emosyonal na tumututol ang mga Sibuyanon sa pagmimina? Sa research ko, nalaman ko na para naman talagang paraiso ang Sibuyan Island sa ganda at linis ng mga likas-yaman nito.
Malaking bahagi ng isla ay deklaradong protektado dahil sa Mt. Guiting-Guiting Protected Landscape. Ito daw ang pinaka-mahirap akyatin na bundok dito sa Pilipinas, at dito nagte-training ang Pinoy mountaineers na sumasabak sa Mt. Everest. Ang malaking bahagi ng kabundukan ay primary rainforest.
Nasa loob din ng Sibuyan ang tinaguriang ‘cleanest inland freshwater’ o mga pinaka-malinis na batis at mga ilog. Sa sobrang yaman ng samu’t -saring buhay sa Sibuyan, nabansagan itong “Galapagos of Asia”.
Isang malaking hamon ngayon sa Department of Environment and Natural Resources at kay Sec. Yulo-Loyzaga kung paano mareresolba ang krisis sa Sibuyan Island.
Papayagan ba ng kagawaran na magpatuloy ang minahan at ma-sakripisyo ang likas na yaman sa isla? O papanig ang gobyerno sa mga tao na naninidigan laban sa mapanirang pagmimina?
Inialay ni dating Municipal Councilor Armin Marin, isang environmentalist, ang buhay n’ya sa pagtatanggol sa Sibuyan at labanan ang mga minero. Pinaslang si Marin noong Oktubre 3, 2007 matapos makipagpalitan ng salita sa isang empleyado ng mining company. Hindi raw ito makakalimutan ng mga Sibuyanon, kaya hindi nila papayagan ang pagmimina.
MAY BAHID POLITIKA ANG ULAT NG PNP?

February 6, 2023 @1:09 PM
Views: 48
UMAPELA na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo “Arnie” Teves, Jr. kasabay nang pagsasapubliko ng kanyang liham na humihiling na suriing mabuti ang inilabas na ulat ng Philippine National Police kaugnay sa mga sinasabing mga dokumentong huwad ng kanyang mga pinalisensiyahang armas.
Hiniling ni Teves kay PBBM na ipag-utos na masuring mabuti ang kanyang mga isinumiteng dokumento matapos mapabalita na binawi ng PNP Firearms and Explosives Ordnance ang lisensiya ng kanyang mga baril na naging daan upang isuko niyang lahat ang kanyang mga armas na pinalisensiyahan.
Naniniwala ang mambabatas na may bahid politika ang inilabas na ulat ng PNP kaya’t nanawagan si Teves sa Pangulo na bigyang pansin ang kanyang hinaing sa paniwalang nagagamit ng ilang mga kalaban niya sa politika ang PNP para sirain ang kanyang reputasyon.
Ayon kay Teves, kung talagang huwad ang mga isinumite niyang mga dokumento para magkaroon ng lisensiya ang kanyang mga baril, bakit siya nabigyan noon pa ng lisensiya at bakit sa mga nagdaang taon ay ngayon lamang nakita na may mali sa kanyang mga papeles?
Nabatid na base pos a ulat ng PNP Police Clearance, hindi lang mga dokumento ng kanyang baril ang nagkaroon ng pagdududa ang PNP subalit maging sa kanyang anak.
Nilinaw ni Teves na ang papeles ng baril ng kanyang anak ang naging kaduda-duda subalit kung totoo man, malinaw na hindi huwad ang mga isinumiteng dokumento subalit posibleng may kulang lang at ngayon lang napansin.
Naniniwala si Teves na may bahid politika ang balitang huwad ang kanyang mga dokumento kaya siya binawian ng lisensiya gayung inamin ng hepe ng Firearms and Explosives Office chief na si PBGen. Paul Kenneth Lucas na maraming may-ari ng mga lisensiyadong baril ang binawian ng lisensiya.
Oo nga naman, bakit pangalan lang niya ang lumutang? Nakakaduda lang naman. He! He! He!
Hindi naman humihingi si Teves si ng pabor bilang halal na opisyal ng pamahalaan subalit nais lang niyang mabigyang katarungan ang kanyang karapatan tulad ng ordinaryong mamamayan sa ilalim ng saligangbatas.
Naunang nasangkot ang anak ni Teves sa insidente nang pananakit sa isang guwardiya sa BF Homes sa Parañaque noong Marso nang nakalipas na taon kung saan nag-viral sa social media ang pangyayari nang makuhanan ng video ng netizen.
SC on Lazada: Reinstate, pay back wages of 5 ‘dismissed’ riders

February 4, 2023 @10:52 AM
Views: 120