Health insurance sa mga guro isinusulong

Health insurance sa mga guro isinusulong

November 7, 2022 @ 3:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng naging aksidente sa Bataan na kinasangkutan ng mga guro kung saan isa ang nasawi, isinusulong ni Quezon City Rep. Patrick Vargas ang pagkakaroon ng health insurance para sa mga public school teachers.

Sa kanyang House Bill 4079 o Health Care for Public School Teachers Bill ay isinusulong ni Vargas na bigyan ng Department of Education (DepEd) ng health maintenance organization (HMO) insurance ang mga public school teachers.

“This unfortunate incident that befell our QC teachers saddens all members of the community. As we pray for the recovery of the affected teachers and their families, it is imperative that we ensure further protection for the health and wellbeing of all our public school teachers by institutionalizing better healthcare programs for them,” pahayag ni Vargas kung saan tinukoy nito ang insidente noong Sabado sa Orani, Bataan kung saan 1 ang nasawi at 21 guro pa ang nasugatan sa isang bus accident.

Ang nasabing mga guro ay mula sa Quezon City, nasa 141 public elementary at high school teachers ang dadalo sana sa gender and development activity sa Sinagtala Resort, Bataan, sakay ang mga ito ng 3 bus nang isa sa mga ito na may sakay na 48 pasahero ay nawalan ng preno at mahulog sa bangin.

Sinabi ni Vargas na sa ganitong mga pagkakataon, kailangan ng mga guro na mayroon silang health insurance.

“A health care program for our noble teachers will not only protect the health and wellbeing of our education sector, but will also contribute to the general promotion of public health in our communities,” paliwanag nito.

Sa ilalim ng panukala ay aatasan ang DepEd na pumasok sa isang HMO contract para sa health insurance ng mga guro.

“Our educators should be in their best possible physical and mental condition to attend to the educational needs of our communities. We have to invest in the health of our heroes who mold the minds of our children and our future,” pagtatapos pa niya. Gail Mendoza