Health package, home quarantine incentive tatalakayin ng COVID-19 task force

Health package, home quarantine incentive tatalakayin ng COVID-19 task force

January 11, 2022 @ 5:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pag-uusapan ngayong linggo ng pamahalaan ang health packages at insentibo para sa mga taong naka-home quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

“Sa gaganapin na meeting [ng COVID-19 task force] ngayong Thursday, isa ‘yan sa mga pag-uusapan natin: first of all, iyong package, health package na puwede nating ma-offer for those who undergo home isolation,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“At dapat maging kabahagi natin dito, kasama natin dito iyong PhilHealth and of course, ‘yong healthcare provider that’s accredited by PhilHealth,” dagdag na pahayag nito.

Kailangan din aniyang linawin ng labor department ang regulasyon para sa mga manggagawa na nagkasakit at kailangan na sumailalim sa quarantine.

“Dapat pag-usapan din natin pa’no ‘yong self-employed or those who are not employed, ano ba ‘yong puwede rin nating ibigay na incentive sa kanila,” pahayag niya.

“This is something that pag-uusapan namin sa IATF (inter-agency task force).” aniya pa rin.

At sa tanong kung may sapat na pondo ang pamahalaan para sa posibleng health package at incentives, sinabi ni Nograles na “We’re working on a new budget right now, it’s 2022, so it’s a fresh budget.”

“The challenge would be to look in the budget… ano iyong puwedeng ma-charge d’yan if ever we come up with a decision,” aniya pa rin. Kris Jose