Health personnel sumalang sa BSFL training

Health personnel sumalang sa BSFL training

November 2, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumalang sa tatlong araw na pagsasanay sa Basic Filipino Sign Language (BFSL) ang mga personnel ng Department of Health – Ilocos Region at localD government units (LGUs) na kanilang magagamit sa pakikipag-usap sa mga indibidwal at pasyente na may hearing disabilities.

“We want our health workers and LGU coordinators to have an increase knowledge in the understanding of persons with disabilities (PWDs) and how to improve their attitudes towards disabled patients, especially those with hearing impairment. We want to further improve and make health services better for them that is why every health worker must undergo a BSL for these PWDs to be properly understood,” saad ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

“Napakaimportante na maunawaaan natin ang kanilang mga needs at concerns upang hindi tayo magkamali sa pagbigay sa kanila ng proper treatment and care. At ito ay upang maengganyo na rin sila na pumunta at magpakunsulta sa mga health center dahil alam nilang mayroong health worker na makakaunawa at magaasikaso sa kanila sa pamamagitan ng sign language.”

Ang mga participants ng BFSL ay sumailalim sa ‘basic signs for communication’ kasama ang mga deaf patients kabilang ang alphabet, numbers, greetings, time, days at months para sa epektibong komunikasyon sa panahon ng konsultasyon sa health care facilities.

Kabilang sa 32 kalahok na kasama sa pagsasanay ay mula sa Department of Health – Ilocos Regional Office, PWD Coordinators ng iba’t ibang provincial, city at municipal government at development management officers.

“Health workers with BFSL skills are essential in every health facility. Hindi tayo dapat magkamali sa pagbibigay ng health service or pagbbigay ng maling gamot, we do not want to prescribe the wrong treatment just because we do not understand what a deaf patient is saying. Lack of knowledge to communicate with our deaf patients is not an excuse. We must learn their language in order for us to understand them,” paliwanag ni Sydiongco.

Isinagawa ang BFSL ng Department of Social Welfare and Development – Area Vocational Rehabilitation Center. Jocelyn Tabangcura-Domenden