Health protocols Dolomite beach reopening, siniguro

Health protocols Dolomite beach reopening, siniguro

March 18, 2022 @ 5:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na ipatutupad ang minimum public health standards sa muling pagbubukas ng Manila Dolomite Beach sa publiko, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Biyernes.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DENR officer-in-charge Jim Sampulnana susunod ang ahensya sa mga alituntunin na ipinalabas ng pandemic task force upang siguruhin ang public health safety sa man-made beach.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face masks, social distancing, at paglilimita sa mga papapasuking bisita.

“We refer to the IATF guidelines. Social distancing, maglalagay ng (wearing of) face mask,” ani Sampulna.

“’Wag natin masyadong punuin ‘yun. Kasi minsan na-compromise ang social distancing pag hindi natin na-control ang mga pumapasok.  Tingnan natin ang capacity ng area na hindi naman nagkukumpulan ang mga tao,”dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan ay ipinasara ng ahensya ang Dolomite beach upang bigyang-daan ang rehabilitasyon nito. Muli itong magbubuka sa publiko pagkatapos ng Mahal na Araw. RNT/SA