Health protocols kontra COVID, epektibo pa rin – DOH

Health protocols kontra COVID, epektibo pa rin – DOH

January 2, 2023 @ 5:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mananatiling epektibo ang health protocols laban sa anumang COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng muling pagsirit ng kaso sa China.

Ayon sa Kagawaran, ang pagpapatupad ng karagdagang paghihigpit sa mga incoming travelers o anumang pagbabago sa mga protocol ng COVID-19 ng bansa ay dapat na batay sa agham at ebidensya.

“Our current protocols remain effective against COVID-19, regardless of the variant,” sabi ng DOH.

Noong Disyembre 31 ay naglabas ng Memorandum si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nanawagan para sa heightened alert mula sa lahat ng manlalakbay galing China.

Panawagan ng DOH ang mas mahigpit na pagpapatupad ng heightened border control at health protocols sa lahat ng borders at kanilang operating units.

“Particularly for incoming vessels with history of travel from China, we have imposed meticulous process to assess vaccination status, exposure, and symptoms. This shall be met with strict implementation of quarantine and isolation protocols as warranted,” dagdag pa ng DOH.

Isinumite ang memo sa Office of the President at inirerekomenda ang state of calamity para sa karagdagang tatlong buwan upang matiyak na walang hadlang sa pagpapatupad ng mga hakbang ng gobyerno na may kaugnayan sa pandemya.

Umaasa ang DOH na may mailalabas na desisyon ang Palasyo sa loob ng linggong ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden