HEALTH PROTOCOLS SA PUBLIC TRANSPORTATION IPATUPAD

HEALTH PROTOCOLS SA PUBLIC TRANSPORTATION IPATUPAD

August 7, 2020 @ 12:06 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at medical societies para mapag-usapan ang strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napakikinggan kundi ‘yung galing din sa medical experts.

Importante rin ang opinyon ng mga ekonomista para  makasulong ang ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Isang sektor na kailangan ang gabay ng medical experts ang public transportation.

Mahalaga ang mobility ng tao sa ekonomiya pero mataas din dito ang risk ng hawaan.

Marami kasing polisiya sa transportasyon ang kwestyunable kung kailangan ba o hindi.

Nais natin ng mga kasagutan ng medical experts sa mga sumusunod na tanong:

  1. Kailangan ba ang “barrier” sa pagitan ng rider at angkas nito. Ininsulto ng DILG Secretary na motorcycle experts lang ang nagsasabing delikado ito samantalang heneral siya. So, tanungin natin ang mga doktor tungkol dito?

  2. Ligtas ba ang mga tradisyonal na jeepney? Ano ang mas ligtas na sakyan, ‘yung naka-aircon o open air tulad ng jeep?

  3. Ang 50 percent reduced capacity ba sa mga pampublikong sasakyan ay pwede naman na basta naka-mask ang mga pasahero at walang overloading sa bawat byahe?

  4. Gaano kailangan o gaano kakritikal ang cashless transaction sa pamasahe sa pampublikong sasakyan?

  5. Ang face shield ba ay kailangan pa maliban sa face mask para sa mga pasahero?

  6. May koneksyon ba sa pagpigil ng hawaan ng COVID-19 ang pagbago o pagputol ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan?

  7. Kung pinayagan na mag-backriding sa private motorcycles ang mga nagtatrabaho at persons authorized outside their residence, pwede na rin ba ang backriding sa tricycles at motorcycle taxis.

  8. Ang paglalagay ba ng mga harang sa kalye ay kailangan?

Marahil ay marami pang nais itanong ang mga taga transport sector sa medical experts upang maliwanagan ang mga motorista at mga tao sa kalye at para naman maging angkop ang mga polisiya na ipinatutupad sa public transportation. Sa ganitong paraan ay mas gagaan ang pagkilos at mas ligtas ang mga pasahero at mga driver sa araw-araw at mapagsisilbihan nila nang mas epektibo ang mga pasahero at publiko.

Mahirap ang mga ‘tsamba-tsamba’ at may ibang pakay maliban sa kaligtasan dahil napagsususpetsahan na ginagamit lang ang pandemya upang magpatupad ng polisiyang wala namang koneksyon sa problema sa kalusugan. Kapag may sagot na ang medical experts sa mga tanong na ito, sana ay pakinggan naman sila ng gobyerno.


  •  
  •  
  •  

Loading...