Health workers allowance mawawala sa pagbawi ng COVID state of calamity-PHAPI

Health workers allowance mawawala sa pagbawi ng COVID state of calamity-PHAPI

December 29, 2022 @ 9:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mawawala ang health emergency allowance ng mga medical worker kapag inalis na ang COVID-19 state of calamity, ayon kay Private Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano.

Sinabi ni De Gramo sa Laging Handa briefing na ang naturang  benepisyo na nakukuha sa Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGU) ay nakadepende sa state of emergency.

Kapag na-lift aniya ito ay baka mawala ang allowances na binibigay  sa mga health workers.

Sinabi rin ni De Grano na ang allowance na tinatayang nasa 200,000 hanggang 300,000 health workers ay maaring maapektuhan sa oras na maalis na ang public health emergency.

“We worry na baka mawala ‘yung benefits pag na-lift ng state of emergency. Although  we are also waiting for the Congress to pass the allocated budget for the second quarter allowance of medical workers,” sabi pa ni De Grano

Noong nakaraang Oktubre, naglabas ang Department of Budget and Management ng P11.5 bilyon para sa mga benepisyo ng mga kwalipikadong healthcare at non-healthcare  workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden