Health workers nagprotesta sa DOH

Health workers nagprotesta sa DOH

September 22, 2022 @ 1:40 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagkilos-protesta ang Alliance of Filipino Workers o AFW sa harap ng tanggapan ng Department of Health o DOH para panawagan na ibigay na ang matagal na nilang hinihiling na pondo para sa HCW o Health Care Worker.

Kabilang sa mga nagprotesta ang ibat-ibang sector mula sa pribadong ospital sa Metro Manila at karatig probinsya.

Isa sa kanilang hiniling ang kakulangan ng suporta para sa mga COVID  frontliners, non-uniform/consistent provision of  allowances and support  (MAT SRA, OCA), at hindi sapat na benepisyo at kawalan na rin ng suporta ng gobyerno.

Nanguna sa naturang aktibidad ang Chairperson ng  ( AFW ) na si  Rene Capito, na siyang mayhawak ng pinakamalaking pederasyon ng mga health care workers na mula sa mga pribadong ospital.

Nakabantay naman ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) habang nagsasagawa ng pagkilos ang grupo upang mapanatili ang kaayusan ng seguridad sa nasabing aktibidad.

Giit ni Capito, posibleng magiging madalas ang  kanilang protesta kung patuloy na hindi pakikinggan ang kanilang panawagan at hinaing.

Payapa namang nilisan ng grupo ang harapan ng tanggapan ng DOH matapos maihayag ang kanilang saloobin. Jocelyn Tabangcura-Domenden