Health workers sumugod sa DOH: Allowance ilabas na!

Health workers sumugod sa DOH: Allowance ilabas na!

October 4, 2022 @ 12:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling kinalampag ng grupo ng health workers ang tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Sta. Cruz, Maynila.

Panawagan pa rin ng health workers sa pangunguna ng Alliance of Health Workers ang natengga nilang benepisyo at kompensasyon na hindi pa rin naiibigay sa kanila sa gitna na rin ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Nagsagawa rin ng human chain at noise barrage ang ang grupo na tinatawag nilang National Day of Protest.

Giit ng grupo, tila nakalimutan na ng DOH ang mga ipinangakong benepisyo tulad ng Special Risk Allowance o SRA, One COVID-19 allowance o OCA at iba pa.

Muli ring ipinanawagan ng grupo ang dagdag sweldo at pagprayorodad sa kalusugan at  kaligtasan ng mga health workers sa buong bansa ay kanila rin muling ipinanawagan.

Nabatid sa grupo na mahigit dalawang taon na ang pandemya at tuloy tuloy ang trabaho ng health workers pero marami pa rin sa kanilang ang hindi nabibigyan ng benepisyo kung saan wala rin silang nakukuhang suporta sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden