Healthcare utilization sa mga lugar sa Alert Level 4 lampas 70%- DOH

Healthcare utilization sa mga lugar sa Alert Level 4 lampas 70%- DOH

January 21, 2022 @ 6:24 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Naobserbahan sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 4 na nahihirapan ang mga itong tugunan ang pagtaas sa kaso ng coronavirus disease (COVD-19), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

“Nakikita natin na medyo nahihirapan na po ang mga lugar na ito [We see that these areas are struggling], that’s why the decision to escalate them compared to other areas,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Palace briefing, kung saan ang tinutukoy niya ay ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar.

“Kaya ito, binibigyan pa natin ng panahon ang ating mga local governments with less than 50% allocated beds for COVID-19 para mabigyan pa rin po ng mas maraming kama ang COVID-19 to better prepare,” ayon pa kay Vergeire.

Sinabi rin ni Vergeire na inatasan na lahat ng regional task forces at regional directors ng lahat ng ahensya na ihanda ang kanilang local governments.

“Dapat lahat po ng ospital, both public and private, should allocate at least 30% for private and 50% for the public of their hospital beds for COVID-19,” aniya.

Gayundin, dapat umanong magkaroon ng stock ng mga kinakailangang gamot. RNT/SA