Healthcare workers italaga sa F2F classes

Healthcare workers italaga sa F2F classes

July 24, 2022 @ 2:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippiens – Iminumungkahi ni BHW Partylist Rep Angelica Co na magtalaga ng healthcare frontliners sa mga school campuses sa pabubukas ng face-to-face classes ngayon taon.

Sinabi ni Co na dapat magtalaga ang Department of Health at local government units ng mga barangay health workers sa mga paaralan para maging katuwang nito sa pagbibigay proteksyon sa mga estudyante at guro laban sa COVID.

“Schools and barangays will have to work together more now”paliwanag ni Co kung saan ang DOH ang syang dapat na magbigay ng dagdag na honorarium sa mga barangay health workers na maitatalaga sa mga paaralan.

Sinabi ni Co na dapat din tiyakin na ang Covid-19 doses at booster shots ay maibigay sa mga estudyante bago ito magbalik eskuwela.

Una nang sinabi ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte na magbabalangkas ang DepEd ng konkretong plano para sa gagawing face-to-face learning. Gail Mendoza