HEALTHY LIFESTYLE AT FIREWORKS SAFETY, PAGTUUNAN NG PANSIN

HEALTHY LIFESTYLE AT FIREWORKS SAFETY, PAGTUUNAN NG PANSIN

December 29, 2022 @ 10:25 AM 4 weeks ago


 SA katatapos na noche buena, pihadong nasira na naman ang ating control sa ‘recommended dietary allowance’.

Eh, papaano ka ba naman makapagtitimpi sa dami at sarap ng mga pagkaing inihanda.
Kasama na sa pagkaing Pilipino ang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lechon, matatamis na kakanin at marami pang iba.

Sa pagtikim pa lang ng bawat putahe lalo na ng crispy pata, siguradong mabubusog ka na.
Huwag lang nating kalilimutan na nakasasama din ang lahat ng sobrang pagkain.

Lalo na sa mga diabetic, may sakit sa puso at iba pang karamdaman na nangangailangan ng control sa food intake.

Idagdag pa natin ang sobrang pag-inom ng mga inuming nakalalasing.
Kahit na may panlaban tayo sa sakit tulad ng mga resetang gamot sa maintenance, mas lamang pa rin ang ‘preventive controls’ kaysa cure.

Mahirap salubungin ang Bagong Taon kung mayroong tayong kaanak na isinusugod sa hospital dahil sa epekto ng kawalan ng pagpipigil sa pagkain mga handa.

Hangga’t maaga, sumangguni sa inyong doktor kung hindi normal ang nararamdaman.
Isama na rin natin ang ‘fireworks safety’ sa usapan. Sa papasok na taon, mahalagang alamin kung legal ang mga bibilhing fireworks.

May listahan ang Department of Trade and Industry ng mga certified na fireworks supplier.
Mas mainam kung susundin natin ang mga local ordinance at ang panawagan ng pamahalaan sa pagsasagawa ng fireworks display sa designated common set-up areas.

Mahirap din kasing tamaan tayo ng sunog at iba pang aksidente habang sinasalubong ang 2023.
Pag-ingatan din ang storage ng mga firework at baka dahil sa poor housekeeping eh, magliyabo sumabog ang mga ito.

Idagdag lang natin na huwag maninigarilyo habang ibinibiyahe ang ganitong kargamento.
Huwag ding iiwanan ang fireworks sa loob ng sasakyan lalo na kung naiinitan ng sinag ng araw.

Mahalagang magreport agad sa barangay o police station kung may naoobserbahang kakaiba at panganib habang pinaghahandaan ang Bagong Taon.

 HAPPY NEW YEAR PO SA ATING LAHAT!“