Hearing para sa mga provincial bus na ‘di nag-operate sa labas ng window hours ikinasa sa Mayo 10

Hearing para sa mga provincial bus na ‘di nag-operate sa labas ng window hours ikinasa sa Mayo 10

April 23, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hearing sa Mayo 10 para sa ilang provincial bus operators upang magpaliwanag sa non-operation ng kanilang mga bus kapag hindi window hours, ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion nitong Sabado.

Ayon kay Cassion, anim na bus companies ang natukoy na hindi nag-deploy na kani-kanilang mga bus sa labas ng window hours.

“So far, anim na kumpanya ng bus ang nakita nating hindi pumasada noong Wednesday sa Pampanga,” paglalahad ni Cassion.

Kabilang sa anim na bus companies na binigyan ng show cause orders ang Victory Liner, Bataan Transit, Five Star Bus Company, First North Luzon Transit, Maria de Leon at Genesis. 

“Pagkatapos ng show cause order, hihintayin ang kanilang sagot at tiyak magkakaroon ng pagdinig sa May 10, 2022,” pahayag pa ni Cassion. RNT/SA