Hearing sa appointment ni Pascual bilang DTI chief, sinuspinde

Hearing sa appointment ni Pascual bilang DTI chief, sinuspinde

December 6, 2022 @ 4:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Appointments (CA) committee nitong Martes ang deliberasyon sa ad interim appointment nu Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa kakulangan sa oras.

Iminungkahi ni Luis Raymund Villafuerte, CA Majority Leader at Camarines Sur Representative, na suspindehin ang hearing, at sinabing ibang komite ang nakayakdang tumalakay sa ad interim appointment ni Energy Secretary Raphael Lotilla at kailangan nang tapusin ng bicameral body ang plenary session ng alas-3 ng hapon.

“For lack of material time, I move to suspend the consideration of the ad interim appointment of Mr. Alfredo Espinosa Pascual as secretary of the Department Trade and Industry,” pahayag ni Villafuerte.

Inaprubahan naman ng CA Committee on Trade and Industry ang kanyang mosyon matapos isara ito ni Senator Imee Marcos. RNT/SA