Heart, aminado sa flat na puwet!

Heart, aminado sa flat na puwet!

July 1, 2022 @ 8:09 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Name it, she probably has it.

Pero maliban sa isa: ang magkaroon ng matambok na puwet.

Ito ang mismong napagtanto ni Heart Evangelista as she slipped into her outfit of the day.

Ang napili kasing isuot ni Heart ay puting pantalon at puting t-shirt.

Just as she was about to slip into her white pants ay siya mismo ang nakapansin na flat ang kanyang behind.

Hindi rin daw ito matambok.

Para pagtakpan ang kanyang kakulangan, pinaresan niya ng maliit na shoulder bag ang kanyang OOTD.

Kunsabagay, no one is born perfect.

Na kay Heart na nga ang halos lahat ng katangiang gustong taglayin ng isang babae.

Mayaman, fashionista, sikat, may mapagmahal na asawa, galing sa buena familia except for that body part.

Ang maganda kay Heart, aware siya sa kanyang physical imperfections.

And she embraces them. Ronnie Carrasco III