Heart at Chiz, sweet uli!

Heart at Chiz, sweet uli!

January 21, 2023 @ 12:55 PM 1 week ago


Manila, Philippines – If a picture– so goes a line in a 70s song– paints a thousand words, moreso can a video clip.

Unlike their New Year picture na magkasama, hindi na pinagdudahang may diperensya sa pagsasama nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero with their recent video.

Noong New Year kasi’y may litrato ang mag-asawa na magka-holding hands.

Also in the picture were Chiz’s kids.

Bagama’t iisipin nga ng publiko na maayos na ang couple, ang tila walang reaksyon ni Heart revealed otherwise.

Hindi kasi nakatingin ang aktres sa asawa.

Pero sa latest video nila habang papasok sa Aivee Clinic, hindi lang sila basta magka-holding hands habang naglalakad sa hallway.

Nagtatawanan pa sila!

Because of this, wala nang netizen ang nakapansin sa matamlay na behavior ni Heart.

No more comments about what they felt na problema ng mag-asawa.

Sa halip ay nag-uumapaw ang mga comnents ng netizens who are happy for the couple.

Napagtanto rin nilang dumaan lang sa karaniwang tampuhan ang couple.

Pati si Chiz ay nagpa-treat na rin sa clinic na suki ni Heart.

At least, the video clip showing the couple HHWW with matching tawanan pa will hopefully put to rest wild speculations na hiwalay na sila.

Kunsabagay, in any marital relationship, either party needs some space to let things cool down.

At sa kaso nga ni Heart, ang napagbalingan niya for that much-needed space ay gawing Divisoria ang Paris. Ronnie Carrasco III