Heart at Kidney center itatayo sa Clark

Heart at Kidney center itatayo sa Clark

October 11, 2022 @ 11:16 AM 2 months ago


CLARK FREEPORT, Pampanga – MAY plano ang Clark Development Corporation (CDC) na pagtayuan ang Freeport ng mga pangunahing ospital tulad ng Philippine Heart Center at National Kidney Center regional hospitals.

Sa inilabas na memorandum ni CDC president at chief executive officer Agnes Devanadera, napagkasunduan ng CDC Board sa pamumuno ni chairman Edgardo Pamintuan, na planong gawin ang Freeport site para sa dalawang napakahalagang ospital.

Tinukoy ng may-ari ng lupa na ang magiging lokasyon para sa pasilidad ng dalawang ospital ay ang lawak ng Pulang Lupa na may 18.68 ektarya na dating Savencia na may 5.72 ektarya.

Sinabi ni Devanadera na nakipag-usap na rin ang CDC sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa posibleng pagpopondo ng proyekto.

“CDC has initially coordinated the possible funding of the project with PAGCOR, through its chairman and CEO Alejandro Tengco and its president and COO (chief operating officer) Atty. Juanito L. Sañosa, Jr. We are likewise looking into having the original design of the two specialty hospitals implemented in Clark, coordinating with the architect and planner of the said buildings,” ani Devanadera.

Ayon pa sa CDC na ang naturang proyekto ay bilang suporta sa pamahalaan at Philippine Health Facility Development Plan ng Department of Health (DoH) at naayon rin sa programa ng kasalukuyang administrasyon na pangarap ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng bansa ng espesyalidad na ospital.

Sa ilalim ng PHFDP, prayoridad ang mga specialty medical center sa neonatal, puso, baga, bato, at cancer./Mary Anne Sapico