Heart attack ikinamatay ni Nuezca batay sa inisyal na ulat- DOJ

Heart attack ikinamatay ni Nuezca batay sa inisyal na ulat- DOJ

December 9, 2021 @ 5:48 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng heart attack ang ikinamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca, na pumatay sa dalawang kapitbahay sa Tarlac noong Disyembre 2020, ayon sa Department of Justice.

“The preliminary report of the [National Bureau of Investigation] indicates that Nuezca died of cardiac arrest,” mensahe ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga reporters.

Nasawi si Nuezca sa New Bilibid Prison Hospital nitong Disyembre 1, matapos umano itong dalhin nang walang malay ng mga kapwa preso.

Iginiit naman ni Bureau of Corrections spokesman Gabriel Chaclag na malalaman sa imbestigasyon kung may nangyaring foul play.

Samantala, sinabi ni Guevarra na matutukoy sa laboratory at histopathological exam ang tunay na ikinamatay ni Nuezca.

Inilagak ang labi ng dating pulis sa Pangasinan.

Namatay siya matapos hatulan ng Tarlac Court ng guilty sa pagpatay sa dalawa niyang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio, matapos magtalo sanhi ng pagpapaputok ng “boga” at right of way noong Disyembre 2020.

Sinintensyahan siya ng reclusion perpetua hanggang 40 taon sa kulungan sa kada kaso ng murder at pinagmulta ng P952,560. RNT/SA