Heart, dedma kina Alex at Belo sa Milan!

Heart, dedma kina Alex at Belo sa Milan!

November 17, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Featured subject ni Dra. Vicky Belo sa kanyang vlog si Alex Gonzaga.

The celebrity doctor was responsible for bringing Alex to the recent Milan Fashion Week in Italy.

This is the same event na dinaluhan ni Heart Evangelista aside from making the rounds in Paris.

Tinanong muna ni Belo kung ano ang nararamdaman ni Alex sa imbitasyon sa kanya.

Siyempre, karangalan daw niyang maanyayahan ng lady cosmetic surgeon.

Sa puntong ito isiniwalat ni Alex na inisnab nga raw sila ni Heart.

Belo then called Heart’s attention by saying na nasa front row daw silang tatlo sa Gucci, pero dedma lang daw si Heart.

May halong tampo naman ang naramdaman ni Alex nang ipaalala niyang pinanonood pa nga raw niya ang Luna Mystica na pinagbidahan noon ni Heart sa GMA.

Binanggit pa ni Alex na nagkaroon pa nga raw sila ng collaboration ni Heart sa YouTube noong 2019.

On that vlog, Alex explored the office of Senator Chiz Escudero na mister ni Heart.

Alex also recounted doing a teleserye with Heart in 2007 via ABS- CBN”s Pangarap na Bituin.

Kumbaga, malinaw na magkaibigan sina Heart at Alex kaya nagtataka ang huli kung bakit siya nito inisnab sa nasabing event.

Ganoon din ang sentimyento ni Vicky who believes she’s a friend to Heart.

Depensa naman ng marami, tiyak daw na hindi intentional on Heart’s part kung hindi man nito nabati sina Vicky at Alex.

Knowing Heart daw, she’s the type of a person who goes out of her way para unang bumati sa mga kaibigan sa anumang okasyon. Ronnie Carrasco III