Heart, dedma sa bday ni Chiz!

Heart, dedma sa bday ni Chiz!

October 11, 2022 @ 3:29 PM 2 months ago


Manila, Philippines – What a sad birthday nga ba for Senator Chiz Escudero?

Nitong October 11 ay 53rd birthday ng magiting na mambabatas from Sorsogon.

Ang inaasahan ng lahat na simpleng pagbati man lang mula sa asawang si Heart Evangelista ay wala.

Sa halip ay mga endorsement niya ang naka- post sa kanyang social media account.

Isa roon ang ineendorso ni Heart na herbal ointment.

May caption ito na, “will soothe your pain and headache.”

Bale ba, tila may isang netizen na nang-iinis by making mention of Chiz’s name.

Dedma lang si Heart sa comment ng nampo- provoke na netizen.

Still another endorsement showed her hand na may suot na dalawang singsing sa daliri.

Dalawang bagay ang napansin sa larawan: medyo umitim ang kamay ni Heart; at hindi na niya suot ang wedding ring nila ni Chiz.

Sa isang banda, sumaya naman ang mood ng Senador nang samahan niya ang anak na si Chesi na manood ng Be the Sun concert ng K pop na Seventeen sa MOA Arena.

Over at the Senate, itsura ng children’s party ang ambience dahil Chiz gave an ice cream treat.

Ang tanong ng mga netizen: natiis ni Heart na hindi batiin ang mister, ganoon na ba siya ka-busy sa trabaho sa Paris? Ronnie Carrasco III