Heart, ‘di na suot ang wedding ring, tinanggal pa ang Escudero sa IG handle!

Heart, ‘di na suot ang wedding ring, tinanggal pa ang Escudero sa IG handle!

August 10, 2022 @ 11:42 AM 2 months ago


Manila, Philippines – No doubt that Heart Evangelista is so popular na konting kilos lang niya’y tiyak  na pinag-uusapan.

Nitong August, napansin ng mga netizen na sa kanyang Instagram story ay hindi niya suot ang wedding ring nila ni Sen. Francis Escudero.

Hindi rin nakaligtas ang pagpuna sa Instagram handle ni Heart kung saan walang Escudero na nakakabit sa kanyang pangalan.

Rewind.

At the recent Thanksgiving Gala Night thrown by GMA, magkasama ngang dumating sina Chiz at Heart sa venue ay halatang wala sa mood ang aktres.

She barely smiled daw kasi.

Kaya ang tanong ng mga netizen: may problema ba ang mag-asawa?

Ayon naman sa source na malapit kay Heart ay wala naman daw.

It’s just that Heart and the senator don’t have as much time for each other.

Naging abala na raw kasi si Chiz nang magbukas ang 19th Congress habang busy rin ang misis nito.

Sa katunayan, this August 22 ay nakatakdang lumipad si Heart sa Paris with her sister and her glam team in preparation for an upcoming fashion event.

Si Heart pa raw ba naman ang maglilihim kung sakaling may tampuhan sila ni Chiz, knowing kung gaano ito ka-open?

Kunsabagay… Ronnoe Carrasco III