Heart Evangelista, kasama ang “Crazy Rich Asians” author sa Paris

Heart Evangelista, kasama ang “Crazy Rich Asians” author sa Paris

July 4, 2018 @ 1:58 PM 4 years ago


 

Nagkaroon ng get-together ang aktres na si Heart Evangelista at ang “Crazy Rich Asians” author na si Kevin Kwan sa Paris.

Sa Instagram post ng aktres, ibinahagi ni Heart ang kaniyang larawan kasama si Kwan pati ng kapwa nila “It Girls” na sina Michelle at Rachel Yeoh ng  Malaysia at Feiping Chang ng Hong Kong.

Sabi sa caption ng aktres, “Lovely company on my first evening in Paris.”

Dahil dito nagkaroon ng espekulasyon ang mga fans kung magiging parte ba si Heart ng movie adaptation ng “China Rich Girlfriend,” ang pangalawang libro ni Kwan na “Crazy Rich Asians” trilogy.

“Hmm… something’s cooking. I feel like you’re gonna be on his second film… Looking forward to it,” sabi ng isang fan sa comment.

Sabi pa ng isang fan, “Could it be Heart as Colette Bing in ‘China Rich?’”

Nanatili namang tikom ang bibig ng aktres sa mga tanong ng fans. Sa isang interview sinabi ni Heart na siya ay tutungo sa France para manuod ng Paris Haute Couture show kasama si Kwan.

Ang adaptation ng pelikulang “Crazy Rich Asians” ay ipalalabas sa United States sa August. Kasama sa pelikula ang aktres na si Kris Aquino na gaganap bilang isang prinsesa.

Matatandaan na si Heart ay magpapahinga muna sa showbiz at pupunta muna ng abroad dahil sa kamakailang pagkamatay ng kaniyang ipinagbubuntis na kambal. (Remate News Team)