Heart, ginawang alalay si Chiz sa Amerika!

Heart, ginawang alalay si Chiz sa Amerika!

December 31, 2021 @ 1:30 PM 7 months ago


California, USA – Malamang ay nasa California, USA pa rin ang mag-asawang Heart Evangelista at Sorsogon governor Chiz Escudero, pati na ang kambal na mga anak ni Gov. sa unang wife nito. Du’n sila nag-Christmas at magnu-New Year.

Tuwang-tuwa si Heart, pati na ang dalawang stepchildren n’ya, sa sigla at sipag ng mister n’ya sa pagsisilbi nito sa kanila na para bang ‘di siya provincial governor na senatorial aspirant din sa eleksyon sa Mayo sa Pilipinas.

Nag-post si Heart sa Instagram n’ya kamakailan ng video at pictures ng mga ginagawa ni Chiz para sa kanila: nagtutulak ng cart na umaapaw sa laman sa supermarket, pumipila sa cashier, nagluluto, naghuhugas ng pinggan, at kinukunan sila ng video at pictures, ipinagda-drive sila araw-araw. At kinukulayan ang buhok ni Heart!

May funny and sweet moments din naman sa video, like when Chiz tries to cover Heart’s eyes as she was staring at some jewelry.

Part of Heart’s caption reads: “Best husband video. Thank you for all you do for us…amazing cook, doing my hair (every) morning , washing the dishes, cooking…we love you.”

‘Di naman kinalimutan ni Heart i-highlight ang tungkol sa mister n’ya: “… Giving great advice when I’m mentally not having it…”

And, as per GMA News website report, she also fittingly captioned the video: “Chizzzy and I love it ”

Sa ibang bansa kasi, lalo na sa is America, wala silang kasamang household staff, kaya kailangang gawin ni Chiz para sa pamilya n’ya ang maraming bagay na malamang na ‘di n’ya ginagawa sa Pilipinas.

Ibang klase talaga ang Pinoy husband ‘pag nasa ibang bansa sila ni misis: ‘di-matatawaran ang pagsisilbi kay misis! ‘Di ba’t ganu’n din ang ginawa ni Dingdong Dantes para kay Marian Rivera nu’ng nasa Israel sila at nagdya-judge si misis sa Miss Universe beauty pageant? Danny Vibas