Heart inflammation dulot ng Novavax COVID vaccine ikinabahala ng US FDA

Heart inflammation dulot ng Novavax COVID vaccine ikinabahala ng US FDA

June 4, 2022 @ 2:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng US Food and Drug Administration ang pagkabahala ukol sa posibleng heart inflammation mula sa Novavax Inc’s (NVAX.O) COVID-19 vaccine, kahit na batay sa datos ng kompanya, nakakabawas ito ng tiyansa ng mild-to-severe disease.

Sa halos 30,000 patient trial ng Novavax na isinagawa sa pagitan ng Disyembre 2020 at Setyembre 2021, mayroong apat na kaso ng uri ng heart inflammation na tinatawag na myocarditis na natukoy sa loob ng 20 araw ng administrasyon ng protein-based shot.

“These events raise the concern for a causal association with this vaccine, similar to the association documented with mRNA COVID-19 vaccines,” pahayag ng FDA staff nitonfg Biyernes.

Sinabi ng ahensya na hiningi na nito sa Novavax  a tukuyin ang myocarditis at isa pang uri ng heart inflammation na tinatawag na pericarditis bilang “important identified risk” sa mga materyal nito.

Bilang tugon ng Novavax sa safety concerns ng FDA, sinabi nitong inaasahan ang ang myocarditis sa malaking database.

“Based on our interpretation of all the clinical data supporting NVX-CoV2373 … we believe there is insufficient evidence to establish a causal relationship,” pahayag ng kompanya. RNT/SA