Heart, inilaglag ang problemadong sarili!

Heart, inilaglag ang problemadong sarili!

September 5, 2022 @ 8:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi na hinintay pa ni Heart Evangelista na manggaling pa sa ibang tao ang pinagdaraanan niya.

Sa kanya na mismo nagmula ang pag-amin that she’s going through some personal struggles.

Medyo generic nga lang ‘ika nga ang post niya.

Hindi niya tinukoy kung may kinalaman nga ba ‘yon sa pagsasama nila ni Senator Chiz Escudero.

But categorically, aniya: “I’m in search of just being happy.”

Napagtanto ng Kapuso actress na wala sa hinahanap niyang kaligayahan ang estado niya sa buhay.

Yes, she gets to pamper herself with pricey stuff pero hindi raw ‘yon ang tunay na kahulugan ng inner peace.

Mas natatagpuan nga raw ni Heart ang joy mula sa kanyang mga alagang hayop na sina Panda at Shuti.

Balitang balak bumili ng property ni Heart sa Paris, France.

Yaman din lang na madalas siya roon gracing faahion events, maganda ngang ideya na naka-base siya roon.

But lest she forget, sa kanyang pagtira sa Paris ay lalo lang titibay ang hinala that there’s something wrong with her marriage to Chiz.

Lalo pa’t ang latest blind item ay tumutukoy sa isang couple na maayos daw ang naging paghihiwalay.

Sana naman ay hindi sina Heart at Chiz ‘yon. Ronnie Carrasco IIi