Heart, kinabog ni Pia sa OOTD!

Heart, kinabog ni Pia sa OOTD!

December 12, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippones – Pinagtatalunan ng mga fashion-oriented netizens ang magkatabing larawan ni Heart Evangelista at ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Paano naman kasi ay magkapareho ang kanilang OOTD, magkaiba lang ng kulay.

Pero exactly the same ang tabas at print.

Parang mala-survey ang umiikot sa social media as to who wears the OOTD better?

Sadly, mas maraming netizen ang nagsabing it’s Pia who stands out more.

Ayon pa sa mga netizens, world-class Filipina talaga si Pia with the way she carries the outfit.

Well-placed daw kasi ang mga curves niya which are even more pronounced and defined.

Sa kaso naman ni Heart, the netizens think na hindi bagay sa fashionistang aktres ang may high waist na damit.

But in fairness, sa pagkakataon lang na ‘yon medyo sumablay si Heart.

Unfair naman daw ‘yon sa kanya na para bang burado na ang magandang pagdadala niya ng mga signature outfits.

Speaking of comparison daw, si Heart lang ang artista who can pass for an international model, what with her stint in Paris, France and in Milan, Italy.

Hindi raw sapat ang one-time back to back exposure nila ni Pia para kabugin nang ganoon-ganoon lang.

Lastly, iba naman daw ang level ni Pia compared to Heart dahil international beauty queen ito.

Mas patas daw ang laban if Pia is pitted against a fellow Miss Universe winner na si Catriona Gray.

Pagdidiin ng isang netizen, wala naman daw ilusyon si Heart to compete with any woman, mapa-local man o foreign.

“Heart dresses up according to her taste…and make it classy!” pagtatanggol pa ng netizen.

That settles the issue. Ronnie Carrasco III