Heart, na-bash sa Chanel na kandila!

Heart, na-bash sa Chanel na kandila!

February 7, 2022 @ 12:11 PM 8 months ago


Paris, France – Umabot na pala sa 9.6 million ang Instagram followers ni Heart Evangelista na parang nasa Paris, France pa hanggang ngayon para manood ng fashion shows du’n.

Pero definitely, ‘di lahat ng sumusubaybay sa kanya ay ginagawa ‘yon para purihin siya. May ilang netizens na pina-follow siya para “mapalo” nila ang actress-fashion icon dahil sa mga asta nito na ikinaiinis at ikinagigigil nila sa ngitngit.

At ang latest post ni Heart na kunwa’y ikinabubwisit nila ay ang pagsisindi ni Heart ng isang kandila para simulan n’ya ang pagdiriwang ng birth month n’ya ngayong Pebrero dahil magte-37 years old na siya.

Nagkamali o sinadya ni Heart na sa ipinost n’yang litrato ay hawak-hawak n’ya ang supot ng kandila na nagbabandong Chanel No. 5 candle ang sinindihan nya. Hindi mumurahing kandila ‘yon.

“Netizens could not help but notice the luxury candle that’s worth at least $50 or P2,559.18 per set, according to Poshmark.com. It is also available on Carousell.sg for SGD40 or P1,522.19 and on Ebay.co.uk for GBP24.99 or P1,734.70.”

Ang mga presyong ‘yan ay mula sa report ng  GMA 7 kung saan may ongoing series ang aktres: ang I Left my Heart in Sorsogon.

Heto ang ilan sa mapanlait na posts:

@itsimaperez: “Sinampal na nmn ako ng kàhirapan.. pati kandila chanel”

@vvincediesel: “nakakahiya namang hipan kandila mo besh”

@kimlouv: “grabe pati kandila, nananampal ng katotohanan na mga hampaslupa tayo.”

@ennaed.psd: “TEH HINDI KO KINAYA YUNG PATI KANDILANG PANGHIPAN EH MAHARLIKA, apakan mo ko madam.”

Dapat na kayang magbago ang mga pobreng bashers ni Heart o ang aktres ang dapat magbago ng hilig (o bisyo?) n’yang ibuyangyang ang kasosyalan at pagiging napakayaman n’ya? Danny Vibas