Heart, na-bash sa “max card problem” post!

Heart, na-bash sa “max card problem” post!

March 11, 2022 @ 3:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pa tapos ang pag-trend ni Heart Evangelista dahil sa “max credit card problema” post nito, gumawa na naman ng ingay ang actress/model dahil sa panunupalpal nito sa isang netizen.

Hindi naman na-bash si Heart, pero ang dating, eh, binigyan lang ito ng pangaral o tip about using a credit card.

“Never use your credit card on luxury. Think cash-only, or Chiz! You also wouldn’t spend that kind of money if you had a baby,” comment ng netizen sa post ni Evangelista.

Simple naman ang naging sagot ni Heart pero barado ang netizen.

“I would spend double if I had a baby,” reply ni Heart with heart emoji.

“Ayan nangunguna kasi!” kantiyaw ng ilang netizens sa nag-comment ng payo kay Heart.

Well, that is just one of the comments na mukhang hindi sang-ayon sa shopping galore ni Heart.

Most of the netizens got inspired to work harder to buy their wants just like what Heart does.

Bukod dito, marami rin ang mukhang may napulot sa outfit ideas ni Heart sa Paris Fashion Week. Paula Jonabelle Ignacio