Heart, nag-post ng painting, binigyan ng kahulugan!

Heart, nag-post ng painting, binigyan ng kahulugan!

August 23, 2022 @ 8:04 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Heart Evangelista has turned her attention to painting anew.

Hindi kaila sa publiko that painting is one talent that the Kapuso actress is very good at.

Sa katunayan, maging ang pagpipinta ng luxury bags ay pinasok na niya.

In her latest Instagram account, makikitang nagpipinta siya ng kanyang Hermes Kelly bag.

Ibig lang sabihin, ito ang kumakain ng kanyang oras.

Pero hindi ito ang nakatawag-pansin ng mga netizens, kundi ang ipinost niyang painting.

Subject ng painting ang isang babaeng may luha sa kaliwang mata.

Agad na kinunek ito ng mga netizen sa kanya bilang malungkot bunga ng problemang pinagdadaanan nila ng asawang si Senator Chiz Escudero.

Ang mas matindi pa ay ang tsikang kaya raw umiiyak si Heart ay dahil may ibang babaeng nabuntis umano ang mambabatas.

Ang sabi, disappointed daw si Chiz dahil hanggang ngayo’y hindi pa nagbubuntis ang asawa.

Sapat na raw ang painting of a crying woman for Heart to get her message across.

Ayon nga sa isang netizen, “Painting is a language without words.”

But wait till Heart opens up herself. Enough of speculations! Ronnie Carrasco III