Heart, naghahanap ng apartment sa Paris, lalayas na sa Pinas?

Heart, naghahanap ng apartment sa Paris, lalayas na sa Pinas?

August 15, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Looks like Heart Evangelista is dead-serious with embarking on a modelling career in Paris!

Popular ngayon si Heart sa French capital as she graces fashion events there one after another.

Nabanggit niya mismo na naghahanap siya ng apartment doon.

It should make her modelling prospects easier for her kung doon nga naman siya maninirahan.

Aside from her fashion preoccupation doon, Heart is now into art toys.

Nakipag-collaborate nga siya sa isang art gallery for her handpainted work.

Eto raw pala ang dahilan sa likod ng pag-drop niya ng apelyidong Ongpauco as well as her married name na Escudero.

International branding ang hinahabol niya.

Marami kasi ang nang-intriga na baka may problema sila ng asawang si Senator Chiz Escudero when she changed her social media name.

Pero kung totoo man ay mismong si Heart na ang magsisiwalat niyon.

At the moment, ang pagiging bihasa na sa pagsasalita ng French is one step closer to her Parisian dream. Ronnie Carrasco III