Heart, nagpakatanga kay John Prats!

Heart, nagpakatanga kay John Prats!

February 23, 2021 @ 10:12 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inamin ni Heart Evangelista na noong bata pa siya at naging boyfriend niya si John Prats ay mega-habol siya rito.

Katunayan, sa pagseselos niya ay umabot siya sa puntong nagmukha siyang tanga.

Na-realize na lang niya na bilang artista, dumarating ang puntong maipapareha siya sa iba at natural na lang ang pagkakaroon ng screen kiss.

Aniya, malaki na raw ang ipinagbago niya.

Napagtanto niya na ang pagseselos ay hindi nakagaganda.

Importante rin daw na may kumpiyansa ang isang babae, hindi lang sa sarili kundi sa kanyang partner.

Paniwala niya, hindi lahat ng relasyon ay dapat magkaroon ng closure.

Ang mahalaga raw ay ang mga leksiyong natutunan sa pakikipagrelasyon.

Nagpapasalamat din siya na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, biniyayaan siya ng bonggang lovelife ng Diyos sa piling ni Sorsogon governor Chiz Escudero. Archie Liao


  •  
  •  
  •