Heart, nagregalo ng expensive necklace, sipsip lang ang peg?

Heart, nagregalo ng expensive necklace, sipsip lang ang peg?

October 13, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Los Angeles, USA – Out of friendship.

Ganito lang kasimple ang dahilan ni Heart Evangelista sa likod ng pagreregalo niya sa kanyang co-star sa Bling Empire.

Naiulat namin dito sa Remate Online na hindi sa Hollywood film mapapanood ang Kapuso actress kundi sa nasabing American TV series.

Heart’s two-minute exposure is seen on its 3rd season particularly sa ika-siyam na episode.

Kasama ni Heart ang Singaporean actor-businessman na si Kane Lim.

Nakilala ito ni Heart when she graced Milan Fashion Week in Italy.

Bilang pasasalamat na rin, inimbitahan ni Kane sa dinner ang mga cast members kabilang si Heart.

Siyempre, scene stealer si Heart who brought Kane an expensive token.

Isang Cartier Tennis Platinum necklace ‘yun na studded with diamond and sapphire.

Converted to peso, napag-alamang worth P4.6 million ang kuwintas na ‘yon!

Ayaw sanang tanggapin ‘yon ni Kane but Heart insisted.

Sinabi pa ng aktres na malas daw pag tumanggi sa regalong buong pusong ibinibigay.

Nope, hindi ‘yon paraan ng pagsisipsip ni Heart.

Sadya lang daw siyang generous toward people she likes or is fond of.

Kaso, naiintriga ang mga netizens: is Heart daw as much generous to her family?

For all we know naman, ‘di ba? Ronnie Carrasco III