Heart, nagsalita na sa hindi pagkakaroon ng anak!

Heart, nagsalita na sa hindi pagkakaroon ng anak!

January 16, 2022 @ 9:00 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Para kay Heart Evangelista, hindi big deal na matatawag kung hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaanak ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

In fact, to be asked why is insensitive of a person kundi man kawalan ng manners.

For the nth time, sinupalpal ni Heart ang isang netizen.

Aniya, “Kulit! Eh, sa ayoko eh…not your uterus!”

Katwiran ng aktres, ang pagkakaroon daw ng anak ay hindi sukatan kung masaya o hindi ang isang babaeng may-asawa.

Paano na raw kung lumaki na ang mga anak at magkaroon ng sariling buhay?

Chiz and Heart tied the knot in 2015. Noong 2018 ay nakunan ang aktres sa dapat sana’y panganay nila ng pulitika.

Just last September ay sinupalpal ni Heart ang isang netizen for saying na wala raw silbi ang magandang pangangatawan nito in her swimsuit kung hindi pa nagiging ganap na ina.

Ani Heart, obyus na gusto lang makapanakit ng basher. Ronnie Carrasco III