Heart, nagsalita na sa pag-migrate sa Paris!

Heart, nagsalita na sa pag-migrate sa Paris!

December 10, 2022 @ 10:04 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi kailanman sumagi sa isip ni Heart Evangelista na manirahan sa French capital, ang Paris.

Oo nga’t nakabili siya roon ng apartment, pero for practical reasons daw ‘yon.

Ayon sa Kapuso actress who’s in town pero babalik din uli sa Paris anytime this month, “Oh, I just love investing on properties!”

Natuldukan tuloy ang mga ispekulasyon na magma-migrate siya sa Pranses lalo pa’t balitang on the rocks ang pagsasama nila ni Senator Chiz Escudero.

Depensa ni Heart, “Kesa naman mag-hotel ako. At least, I have a place to stay there.”

Kung tutuusin nga, mas matagal pa siyang nasa ibang bansa kesa pumirmi rito.

The past months saw Heart shuttling between Paris and Milan in Italy dala na rin ng kanyang trabaho roon.

But if it’s any consolation daw ay marami pa siyang natutunan while being away.

Halimbawa na lang ang paggo-grocery at pagluluto.

Heart describes herself as a late bloomer as far as doing household chores is concerned, palibhasa’y hindi niya ‘yon nakalakihan when she was still staying with her parents.

“Like paglalaba na kahit mahirap, maganda naman ang background so nakakagaan ng feeling,” pag-amin niya.

Matagal pa ang 38th birthday ni Heart.

She’ll turn one year older and wiser sa mismong Hearts’ Day, hence her first name Love Marie.

May good vibe daw na hatid ang numerong 8, kaya she’s enjoining other celebrants who will celebrate their 8th, 18th, 28th, 38th birthdays and so on.

As usual, bigo ang publiko na malaman kung ano na nga ba ang estado nila ni Chiz.

As in Heart’s lips are kissably sealed. Ronnie Carrasco III